Miyerkules, Setyembre 23, 2015

Mga Kabataan Gumising Tayo’t Bumangon: Isang Talumpati

Sa lahat ng Tagapakinig. Isang mabubulaklaking araw po sa inyong lahat. Ibig ko pong magbigay ng isang talumpati. Isang talumpating siguradong pupukaw sa puso’t isipan ng mga kabataan sa kasalukuyan.
Sisimulan ko ito sa isang tanong. “Gaano na nga ba kahalaga ang pag-aaral para sa mga kabataan ngayon?”. Nakakatawa mang isipin ngunit alam natin na negatibo ang impresyon natin sa tanong na ito. Maraming mga dahilan. Isa na doon ay
ang Kawalan daw ng Pera. Sa labing walong taong kong pagkabuhay sa mundong ito’y ni kailanman ay hindi pa ako nakakita ng perang may paa. Perang tila ba lalapit sa iyo kapag kailangan mo. Ngunit hindi ganyan kadali ang buhay. Malawak ang mundo. Maraming oportonidad na kung hindi man lalapit sa iyo ay maaari mo naming lapitan. Dahil ang tanong ay hindi naman, “Paano ako makakapag-aral kung wala akong pera?”. Ang tunay na tanong ay, “Paano ako makakapag-aral kung hindi ko ito pagsusumikapan?”. Ang pangangatwiran naman ng iba ay ang Gobyerno. Bakit daw walang ginagawa ang gobyerno para sa atin. Oo. Isang magandang tanong. Ngunit hindi na ba natin natanong ang ating mga sarili kung ano ang magagawa natin para sa gobyerno?. Ang iba nama’y sinasabi na “maikli lang ang buhay, at kailangan nating namnamin ang bawat sandali nito.” ika nga sa wikang ingles, “Life is Short, so just enjoy it”. Marami ng nagsabi niyan. Kaya naman marami na rin ang hindi nakapagtapos, nabuntis, nalulong sa droga, pag-iinom at anu pa mang bisyo. Ngunit tingnan mo ang mga taong noo’y nagsikap sa pag-aaral. Nagagawa na nila ang mga gusto nilang gawin na may limitasyon at disiplina sa sarili. Isang napakamaling pananaw nating mga tao ngayo’y, parati tayong nag-iisip ng dahilan. Dahilan kung bakit di tayo nakapag-aral ng mabuti. Dahil kung bakit di natin nagagawa ang isang bagay. Puro dahilan.Dahil sa pag-iisip natin ng negatibong dahilan nalilimutan na natin ang negatibo epekto nito. Nalilimutan na rin natin na wala na pala tayong ginagawa. Ika nga, puro plano walang aksyon. Puro salita, walang ginagawa. Maraming mga bata sa lasangan ang gusto sanang makapag-aral ngunit kailangan pa muna nilang pagtrabahoan ang kanilang pang-araw araw para mabuhay. Ngunit ang iba diyan na halos nakalatag na lahat. Tuition, libro, allowance, at iba pa. pinagsisikapang pagtrabahoan ng kanikanilang mga magulang ngunit matinding pag-aaksaya ang ginagawa nila. Pag-iinom, pagka-adik sa computer games, at nakaktawa mang isipin ngunit ito’y tumatagos sa realidad, na minsan pa’y ibinibigay sa kasintahan. Minsan pa nga’y umaabot sa droga. Ngayon sa bawat isa sa inyong nakikinig. Na isinasapuso ang bawat salitang iminumungkahi ko. Gumising kayo’t bumangon dahil hindi pa huli ang lahat. Tutulong man ang mga taong nakapalibot sa inyo sa maikling sandali ng inyong buhay ngunit sa pankalahatan, walang ibang tutulong sa inyo kundi ang inyong mga sarili. Walang iba kundi kayo. Kayo lang.