Sa lahat ng Tagapakinig. Isang mabubulaklaking araw po sa inyong
lahat. Ibig ko pong magbigay ng isang talumpati. Isang talumpating siguradong
pupukaw sa puso’t isipan ng mga kabataan sa kasalukuyan.
Sisimulan ko ito sa isang tanong. “Gaano na nga ba kahalaga ang
pag-aaral para sa mga kabataan ngayon?”. Nakakatawa mang isipin ngunit alam
natin na negatibo ang impresyon natin sa tanong na ito. Maraming mga dahilan.
Isa na doon ay
ang Kawalan daw ng Pera. Sa labing walong taong kong pagkabuhay
sa mundong ito’y ni kailanman ay hindi pa ako nakakita ng perang may paa.
Perang tila ba lalapit sa iyo kapag kailangan mo. Ngunit hindi ganyan kadali
ang buhay. Malawak ang mundo. Maraming oportonidad na kung hindi man lalapit sa
iyo ay maaari mo naming lapitan. Dahil ang tanong ay hindi naman, “Paano ako
makakapag-aral kung wala akong pera?”. Ang tunay na tanong ay, “Paano ako
makakapag-aral kung hindi ko ito pagsusumikapan?”. Ang pangangatwiran naman ng
iba ay ang Gobyerno. Bakit daw walang ginagawa ang gobyerno para sa atin. Oo.
Isang magandang tanong. Ngunit hindi na ba natin natanong ang ating mga sarili
kung ano ang magagawa natin para sa gobyerno?. Ang iba nama’y sinasabi na
“maikli lang ang buhay, at kailangan nating namnamin ang bawat sandali nito.”
ika nga sa wikang ingles, “Life is Short, so just enjoy it”. Marami ng nagsabi
niyan. Kaya naman marami na rin ang hindi nakapagtapos, nabuntis, nalulong sa
droga, pag-iinom at anu pa mang bisyo. Ngunit tingnan mo ang mga taong noo’y
nagsikap sa pag-aaral. Nagagawa na nila ang mga gusto nilang gawin na may
limitasyon at disiplina sa sarili. Isang napakamaling pananaw nating mga tao
ngayo’y, parati tayong nag-iisip ng dahilan. Dahilan kung bakit di tayo
nakapag-aral ng mabuti. Dahil kung bakit di natin nagagawa ang isang bagay.
Puro dahilan.Dahil sa pag-iisip natin ng negatibong dahilan nalilimutan na
natin ang negatibo epekto nito. Nalilimutan na rin natin na wala na pala tayong
ginagawa. Ika nga, puro plano walang aksyon. Puro salita, walang ginagawa.
Maraming mga bata sa lasangan ang gusto sanang makapag-aral ngunit kailangan pa
muna nilang pagtrabahoan ang kanilang pang-araw araw para mabuhay. Ngunit ang
iba diyan na halos nakalatag na lahat. Tuition, libro, allowance, at iba pa.
pinagsisikapang pagtrabahoan ng kanikanilang mga magulang ngunit matinding
pag-aaksaya ang ginagawa nila. Pag-iinom, pagka-adik sa computer games, at
nakaktawa mang isipin ngunit ito’y tumatagos sa realidad, na minsan pa’y
ibinibigay sa kasintahan. Minsan pa nga’y umaabot sa droga. Ngayon sa bawat isa
sa inyong nakikinig. Na isinasapuso ang bawat salitang iminumungkahi ko.
Gumising kayo’t bumangon dahil hindi pa huli ang lahat. Tutulong man ang mga
taong nakapalibot sa inyo sa maikling sandali ng inyong buhay ngunit sa
pankalahatan, walang ibang tutulong sa inyo kundi ang inyong mga sarili. Walang
iba kundi kayo. Kayo lang.